Activity Updates


September 2010 - Launch of the maiden issue of the Focus on the Global South Policy Review

September 19 - In Malaysia will be held the forum called "Regional Strategy Meeting on Emerging Social and Cultural Concerns in ASEAN: Climate Change, South East Asian Peoples’ Right to Information, Labor Migration and Domestic Work and Platforms for Civil Society Engagement with the ASEAN."  Focus Philippines will make a presentation on "Building a Case for an ASEAN Protocol on Freedom of Information"

September 23 - 26
- Asean People's Forum in Hanoi, Vietnam. Fore more information, please send inquiries to the following: <apfhanoi-pc@aseanpeoplesforum.net>, <apfhanoi-ws@aseanpeoplesforum.net>. Ms Dorothy Guerrero, who is in the Bangkok office of Focus, seats in the Program Committee.

September 27 - October 1 - Freedom of Information Advocacy Week

September 23 - FOI Forum
     
September 27 - R2KRN will visit the Senate to renew the FOI campaign
     
September 28 - R2KRN will meet with Representatives of the Lower House
Home arrow Newsletter arrow Articles arrow Paigtingin ang Laban ng Kababaihan! Panagutin ang Gobyernong Walang Pakialam! Baguhin ang Sistema!
Paigtingin ang Laban ng Kababaihan! Panagutin ang Gobyernong Walang Pakialam! Baguhin ang Sistema! PDF Print E-mail

Welga ng Kababaihan Laban sa Kahirapan at Globalisasyon

(Women’s March Against Poverty and Globalization)
 

Nahaharap tayo sa isang malalim at tumitinding pandaigdigang krisis na nagpapatingkad sa mga kapalpakan ng sistemang pang-ekonomiyang niyakap ng maraming gobyerno sa buong mundo. Binibigyang diin ng sunod-sunod at kawing-kawing na krisis ang matagal nang daing ng dumaraming bilang ng kababaihan at kanilang mga pamilya: Lumala ang kahirapan, gutom at kawalan ng kasiguruhan sa kabuhayan, maging sa panahong sinasabing lumalago ang ekonomiya. Hindi nakinabang ang nakararami sa naging takbo ng ekonomiya, subalit nakakaranas naman ng pinakamatinding hagupit sa bawat pag-bagsak nito. Walang ibang solusyon sa walang-tigil na krisis kundi ang malawakang pagbabago sa orientasyong pang-ekonomiya.


Habang ang buong mundo’y nagkakandarapa sa daglian at pangmatagalan nilang tugon sa krisis, patuloy pa rin ang pagsasawalang-bahala ng gobyerno ni Mrs. Arroyo sa pagkalugmok ng ating ekonomiya at ng milyun-milyong mamamayan.  Walang dapat ikabahala. Maayos ang economic fundamentals. Ramdam ang kaunlaran. Ito ang bukambibig ng Malakanyang, samantalang ramdam na ramdam na ang lawak at lalim ng krisis, na sinasalamin ng kalagayan ng kababaihan at kanilang mga pamilya

Ayon na mismo sa datos ng gobyerno, libo-libo na ang nawawalan ng trabaho, kabilang ang nakararaming kababaihan sa mga paggawaan at export processing zones, at mga OFWs, at tinatayang aabot sa daan-daan libo ang madadagdag sa bilang. Bago pa man ang global financial crisis, kung ano-ano ng pamamaraan ang kinailangang gawin upang kahit papano’y matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Sa paglala ng sitwasyon, inaasahang dadami pa lalo ang pamilyang mabababaon sa pagkakautang, mapapaalis sa kanilang mga tirahan, magkakasya sa pagkain ng isang beses sa isang araw, magtitiis sa pangangalakay, sa pagpag at buto-buto. Madaragdagan din ang mga anak na titigil sa pag-aaral; ang mga nanay at anak na mauuwi sa prostitusyon, trafficking at panloloko; ang kaso ng pag-abuso at diskriminasyon sa mga kababaihang manggagawa sa loob at labas ng bansa; habang lalong tumitindi ang pasanin (at double burden) ng kababaihan sa loob ng pinagtatrabahuhan at maging sa loob ng tahanan.

Maliwanag ang pagmamaliit ng gobyerno sa sinasapit ng mamamayan. Kitang-kita ito sa mga programang pantawid gutom at di-angkop na mga proyekto katulad ng emergency employment at redeployment, skills training, cash transfer at stimulus package. Hindi solusyon ang dole-out kung hindi naman masisiguro ang pangmatagalang kabuhayan. Hindi solusyon ang training o redeployment kung walang trabahong nalilikha sa loob ng bansa. Hindi solusyon ang pag-labas ng bansa lalo’t patuloy ang pagbagsak ng ating sariling ekonomiya at pagkawasak ng kabuhayan. Ang mga tugong ito’y kahalintulad ng pagbibigay ng paracetamol upang lunasan ang napakalalang kanser.

Kinakailangan panagutan ng pamahalaan ang kalagayan ng mamamayan, lalo na sa panahon ng krisis, subalit hindi nakakasapat ang pansamantalang abuloy o panandaliang trabaho. Kinakailangan managot ang pamahalaan sa mga naging patakaran at programang pang-ekonomiya na nagresulta sa pagkalugmok nito, sa pagbagsak ng mga industriya, ng agrikultura at kabuhayan, sa malawak na pagbukas ng bansa na naging sanhi ng pagiging bulnerable natin sa mga global shocks, sa pagbaba ng bilang at kalidad ng mga trabaho, sa pagsasapribado ng maraming batayang serbisyo at pagkahikahos ng parami ng paraming mamamayan.

Hangga’t hindi babaliktarin ang mga polisiya at pamamalakad sa ekonomiya, hangga’t hindi nababago ang oryentasyon sa pag-unlad, hangga’t hindi binibitiwan ang panlabas na tuon at ang ilusyong nasa migration ang solusyon, patuloy tayong dedelubyuhin ng sunod-sunod at walang humpay na krisis.


Hinihingi ng sitwasyon ang mga kagyat na tugon, pangunahin ang pagpondo at pagpapatupad ng mga food program at community kitchen, maagap na pagsiguro sa sapat na kabuhayan at unemployment benefits, pagtiyak sa essential services katulad ng kalusugan, edukasyon at pabahay, upang maibsan ang kagyat at malalang epekto ng krisis sa pang-araw-araw.

Higit pa, kinakailangan itong sabayan ng mga pangmalawakang solusyon sa kawing-kawing na krisis pang-ekonomiya, pangunahin na ang: 

1. Pagpapaunlad sa pambansang ekonomiya at domestic market na mangyayari lamang kung sisiguruhin ang sapat na sahod, patas na bahaginan ng gains ng economic activity, at pantay na pagkilala sa ambag ng lahat ng manggagawa at iba’t ibang porma ng paggawa.

2. Pagbaliktad sa privatization ng mga batayang serbisyo,               na lalong nagpabigat sa pasaning reproduktibo ng kababaihan at nagreinforce sa umiiral na sistemang umaasa sa unpaid family work pagdating sa di-napapahalagahang care economy.

3. Pagseguro ng sapat na bilang at kalidad na trabaho para sa lahat.

4. Pagpapaunlad at pagpapatupad ng mga asset reform program katulad ng agrarian reform at urban land redistribution.

5. Pagpapasigla sa agrikultura na sisiguro sa maunlad na kanayunan, sapat na pagkain at food sovereignty.

6. Pagcancel ng mga utang at paglaan ng karampatang budget  para sa mga mahahalagang programa at investment na ikauunlad ng panibagong ekonomiyang tutuon sa kagalingan at ikauunlad ng lahat ng mamamayan.

The situation calls for urgent measures, especially the funding and implementation of food programs and community kitchens, immediate steps to secure sufficient livelihood and unemployment benefits, and ensure essential services such as healthcare, education and housing, in order to ease the blow of the immediate, adverse effects of the crisis.
More importantly, these relief measures should be complemented with long-term strategic solutions to the multiple crises afflicting our economy, starting with:

1.    Revitalizing the domestic economy and market, which can only happen by ensuring adequate wages, equitable distribution of the gains of economic activity, and equal recognition of the contribution of all workers and of all forms of work;
2.    Reversing privatization of essential services, recognizing that privatized services have aggravated women’s reproductive loads and reinforced the current system which heavily relies on women’s unpaid family work within the reproductive sphere and care economy;
3.    Ensuring full employment and decent jobs for all;
4.    Enhancing and effectively enforcing asset reform programs such as agrarian reform and urban land reform;
5.    Reviving the agriculture sector to ensure rural development, sufficient food, and food sovereignty;
6.    Cancelling illegitimate debts and allocating corresponding funds for these key programs and investments which will boost a renewed economy that will ensure the well-being and development of all.

Welga ng Kababaihan struggles on for the rights of all individuals to lead a life of dignity, free from violence, coercion and poverty. Along with these calls, we remain steadfast in our struggle and support for the Reproductive Health Bill, a meaningful Magna Carta for Women and justice for Nicole.
 

 

Patuloy ang pakikibaka ng Welga ng Kababaihan para sa karapatan ng bawat isa, babae man o lalaki, na mamuhay ng marangal at malaya sa karahasan, koersyon at kahirapan. Kasabay ng mga panawagang ito ang aming patuloy na pagtindig para sa Reproductive Health Bill, sa mas makabuluhang Magna Carta for Women at sa hustisya para kay Nicole.

  Pandaigdigang Araw ng Kababaihan 

                      08 Marso 2009

 

 
< Prev   Next >