Activity Updates
September 2010 - Launch of the maiden issue of the Focus on the Global South Policy Review
September 19 - In Malaysia will be held the forum called "Regional Strategy Meeting on Emerging Social and Cultural Concerns in ASEAN: Climate Change, South East Asian Peoples’ Right to Information, Labor Migration and Domestic Work and Platforms for Civil Society Engagement with the ASEAN." Focus Philippines will make a presentation on "Building a Case for an ASEAN Protocol on Freedom of Information"
September 23 - 26 - Asean People's Forum in Hanoi, Vietnam. Fore more information, please send inquiries to the following: <apfhanoi-pc@aseanpeoplesforum.net>, <apfhanoi-ws@aseanpeoplesforum.net>. Ms Dorothy Guerrero, who is in the Bangkok office of Focus, seats in the Program Committee.
September 27 - October 1 - Freedom of Information Advocacy Week
September 23 - FOI Forum
September 27 - R2KRN will visit the Senate to renew the FOI campaign
September 28 - R2KRN will meet with Representatives of the Lower House
Home
Programmes
Commons
Pahayag ng Focus on the Global South-Philippines Programme sa Pagpaslang kay Ka Rene Peņas
Programmes
Commons
Pahayag ng Focus on the Global South-Philippines Programme sa Pagpaslang kay Ka Rene Peņas | Pahayag ng Focus on the Global South-Philippines Programme sa Pagpaslang kay Ka Rene Peņas |
|
|
|
|
Pahayag ng Focus on the Global South-Philippines Programme sa Pagpaslang kay Ka Rene Peñas, Bise Presidente ng PAKISAMA June 8, 2009 Mariing ikinokondena ng Focus on the Global South ang walang awa at walang saysay na pagpatay kay Ka Rene Peñas, lider magbubukid at paralegal mula sa Sumilao, Bukidnon noong Biyernes, ika-5 ng Hunyo. Lubos ang aming galit at hinagpis dahil nalagasan na naman ang hanay ng mga magbubukid ng isang lider na nagtataguyod ng kanilang karapatan, lalo na ang karapatan ng mga katutubo at manggagawang bukid sa Mindanao. Saksi kami sa katapangan at kagitingan ni Ka Rene—isa siya sa mga naglakad nang mahigit 1,700 kilometro mula Sumilao hanggang Maynila upang igiit at ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa. Siya rin ang namuno sa mga taga-Banasi, Camarines Sur na naglakad ng 444 kilometro para igiit ang kanilang karapatan sa lupa. Kilalang maprinsipyo, malikhain, masayahin, at mapagmalasakit, si Ka Rene ay isang mahusay at modelong lider magbubikid. Lubos ang aming paghanga sa kanyang mga nasimulan at napagtagumpayan na kampanya: ng mga taga Sumilao, Banasi; at ngayon, ang abo’t kamay na tagumpay sa pagpapalawig at pagreporma ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Ang kanyang pagkawala ay isang malaking dagok di lamang sa aming hanay kundi maging sa mga nakikipaglaban para sa karapatan ng mga mahihirap. Malinaw para sa amin na ang pagtambang kay Ka Rene ay isang hakbang upang maghasik ng takot at pangamba sa kanayunan, lalo na sa hanay ng mga maliliit na magsasaka at walang lupa na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan. Ngunit nagkakamali ang mga pumatay sa kanya dahil lalo pa nitong pinag-alab ang aming damdamin at pinagtibay ang aming paninindigan na ipaglaban ang karapatan ng mga maliliit na magsasaka, manggagawang bukid, kababaihan, at mga mahihirap sa kanayunan. Hinding-hindi namin bibitawan ang nasimulan na ni Ka Rene. Ipagpapatuloy namin ang kanyang laban. Nakikiisa kami sa PAKISAMA at iba pang organisasyon sa paghingi ng katarungan para kay Ka Rene at kanyang pamilya. Kasama nila, nanawagan kami sa agarang pagresolba ng kanyang kaso. Nanawagan kami sa polisya at pamahalaan, na bagama’t nahuli na ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Ka Rene, na matukoy at masukol din nila ang may utak sa karahasang ito. Sana’y wala nang buhay ang masakripisyo para sa pagbabago. Katarungan para kay Ka Rene at kanyang pamilya! Ipagpatuloy ang kanyang nasimulan! Katarungan para sa biktima ng mga extrajudicial killings! |
| < Prev | Next > |
|---|
