Latest News
- Political Round Up: Gloria's 8th SONA and the ghosts of past controversies
- Research Shows Arroyo Administration Failing to Meet Own Targets
- Political Round Up: Politicizing the Bureaucracy, Recycling Political Allies
- Event: Why Climate Justice? Global Crisis, Local Challenges
- An ASEAN We Can Aspire To? Where is ASEAN Now and Where is it Taking Us?
EU-ASEAN Stream
Home
Newsletter
Focus on the Philippines: Number 32
Newsletter
Focus on the Philippines: Number 32 | Focus on the Philippines: Number 32 |
|
|
|
|
Tungo sa isang Maka-Pilipinong Patakarang Panlabas Ni Roland Simbulan In this issue: President Arroyo in her State of the Nation Address last 26 July 2004 alluded to the formulation of a “Filipino First” foreign policy in response to the Angelo dela Cruz crisis. In this issue we feature Professor Roland Simbulan’s contribution to this discussion. According to Professor Simbulan,“Hindi na kailangan pang baguhin o magkaroon ng alternatibong patakarang panlabas ang Pilipinas sapagkat ang pinakapundamental na prinsipyo at patakaran ng estado para sa ating patakarang panlabas ay nakaukit na sa 1986 Philippine Constitution” (We do not need to change or come up with an alternative foreign policy because the most fundamental principles and policy of the state for our foreign policy is already engraved in the 1986 Constitution). “Ang problema ay ang kawalang implementasyon , pagsuway at paglabag ng kilos at gawa ng pamahalaan sa mga prinsipyo at opisyal na itinakda nang patakarang ito”. (The problem lies in the lack of implementation. Government’s actions betray the principles enshrined in this policy.) “Kung seryosong gagamitin sana bilang patnubay ng ating mga lider ang Saligang Batas, ang Pilipinas ay rerespetuhin ng ibang bansa sa kanyang pagpapakita ng patakarang panlabas na para sa kapayapaan at para rin sa interes ng nakararaming Pilipino (If only our leaders seriously seek guidance from our Constitution then the Philippines will be respected by other countries for adopting a foreign policy that promotes peace and one that advances the interest of the Filipino majority) Professor Roland Simbulan is the Vice Chancellor for Planning and Development of the University of the Philippines-Manila. Editor’s Note: Everyone’s invited to HOSTAGED? Philippine Foreign Policy after Angelo dela Cruz: A Roundtable Discussion organized by the UP College of Social Sciences and Philosophy UP National College of Public Administration and Governance UP Department of Sociology UP Third World Studies Center Focus on the Global South Institute for Popular Democracy and the UP Diliman University Student Council on 12 August 2004, 1 PM to 4 PM at Bulwagang Recto, Faculty Center UP Diliman. With Secretary Delia Albert, Department of Foreign Affairs, Secretary Norberto Gonzales, National Security Council, Representative Risa Hontiveros, House of Representatives, Prof. Raymond Quilop, Office of Strategic Studies, National Defense College (confirmed), Prof. Aileen Baviera, Dean, UP Asian Center (confirmed) Mr. Conrad de Quiros, Philippine Daily Inquirer, Retired Ambassador Nelson Lavina, Ms. Ellene Sana, Center for Migrant Advocacy, Mr. Herbert Docena, Focus on the Global South/ Iraq Solidarity Campaign (confirmed), Representative from University Student Council – Diliman, Dr. Teresa S. Encarnacion Tadem, Executive Director, UP Third World Studies Center (confirmed), Dr. Alex B. Brillantes, Jr., Dean, National College of Public Administration and Governance (confirmed) Moderator: Prof. Randolf David (all speakers and moderator to be confirmed) ----------------------------------- TUNGO SA MAKA-PILIPINONG PATAKARANG PANLABAS Ni Roland G. Simbulan University of the Philippines “The Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally-accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation and amity with all nations.” -Sec. 2., Article II, Declaration of Principles, 1986 Philippine Constitution “ The State shall pursue an independent foreign policy. In its relations with other states, the paramount consideration shall be national sovereignty, territorial integrity, national interest, and the right to self-determination.” - Sec. 7, Article II, Declaration of State Policies, 1986 Philippine Constitution “The State shall develop a self-reliant and independent national economy effectively controlled by Filipinos.” -Sec. 19, Article II, Declaration of State Policies, 1986 Philippine Constitution “The Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory.” -Sec. 8, Article II, Declaration of State Policies, 1986 Philippine Constitution Alituntunin ng Saligang Batas Hindi na kailangan pang baguhin o magkaroon ng alternatibong patakarang panlabas ang Pilipinas sapagkat ang pinakapundamental na prinsipyo at patakaran ng estado para sa ating patakarang panlabas ay nakaukit na sa 1986 Philippine Constitution. Ang problema ay ang kawalang implementasyon , pagsuway at paglabag ng kilos at gawa ng pamahalaan sa mga prinsipyo at opisyal na itinakda nang patakarang ito. Kung seryosong gagamitin sana bilang patnubay ng ating mga lider ang Saligang Batas, ang Pilipinas ay rerespetuhin ng ibang bansa sa kanyang pagpapakita ng patakarang panlabas na para sa kapayapaan at para rin sa interes ng nakararaming Pilipino. Ngunit, hindi natin inaasahan ang kasalukuyang pamahalaan na magkaroon na lamang ng biglaang “paradigm shift” o conversion tulad ni Santo Paulo sa kanyang pakikitungo sa Estados Unidos o pagpapailalim ng patakarang pa nlabas at patakarang sekuridad sa Estados Unidos dahil sa isang insidente tulad ng kaso ni Angelo de la Cruz at sapilitang pag-pullout ng Pilipinas sa Iraq. Ang ating inaasahang lumitaw ay mga kino-konsiyensang indibidwal na diplomat o dating ambassador ng ating Department of Foreign Affairs tulad ni Retired Ambassador Nelson D. Lavina( ) na sumulat ng kanyang opinion noong Philippine Daily Inquirer, July 22, 2004. Aniya: “ Let us recall that the Coalition of the Willing led by the Bush-Blair tandem, which originally included the Philippines, Spain, Bulgaria, invaded Iraq without provocation, without casus belli. In fact, the invasion was in defiance of the UN Security Council. “Who are then terrorizing whom: the invading coalition forces, killing thousands of Iraqis and destroying their land and homes; or the Iraqi militants who are obviously defending their country and people?” Kahit na batay sa tatlong haligi(pillars) ng patakarang panlabas ng Pilipinas na itinatakda ng ating Department of Foreign Affairs , lagpak sa lahat ng aspeto ang ating kasalukuyang patakarang panlabas sapagkat hindi nito ginagamit ang Saligang Batas bilang alituntunin o giya sa kanyang mga patakaran. Ang tatlong haligi ng opisyal na patakarang panlabas ng Pilipinas ay ang mga sumusunod: (1) the preservation and enhancement of national security; (2) the promotion and attainment of economic advancement and social development; (3) the protection of rights and promotion of the welfare and interests of Filipinos overseas. (Secretary Delia Albert, Lecture on Philippine Foreign Policy, University of the Philippines, Diliman, March 2004) Kaugnayan sa Pambansang Sekuridad Ang ating patakarang panlabas lalo na matapos ang mga pag-atake sa Amerika noong Sept. 11, 2001 ay pinangibabawan ng pagsuporta natin sa Kampanya Laban sa Terorismo ng Estados Unidos. Dalawa ang pangunahing dahilan. Una: pwede tayong maki-angkas sa mga pang-ekonomikong biyaya na makukuha ng Amerika sa Afghanistan at Iraq lalo na sa pagbili ng langis, sa mga construction contracts at mga bubuksang trabaho sa reconstruction ng Iraq matapos ang gera. Samakatwid, ang tatlong haligi ng ating patakarang panlabas ay pinailalim natin sa pre-okupasyon natin sa “War on Terror” sa loob ng Pilipinas at sa ating pakikiugnayang panlabas. Pangalawa: Ang Amerika ang nag-iisang pinakamalaking superpower, kayat, mas mabuti sa ating patakarang panlabas na umangkas sa No. 1 Superpower na ito upang makuha ang biyaya na maipagtatagumpay nito. Ganito ang lohiko ng mga palasuko! Ngunit, ang No. 1 Superpower na ang Amerika ay No. 1 din sa mundo sa mga sumusunod kaya kinamumuhian ang kanyang pamahalaan sa ibat ibang dako ng daigdig lalo na sa Gitnang Silangan: No. 1 sa dami ng milyonaryo. No. 1 sa dami ng bilyonaryo. No. 1 sa military spending, kahit na ipagsama ang defense budget ng 180+ bansa sa buong daigdig . No. 1 sa mga namamatay dahil sa mga baril. No. 1 sa produksyon ng karneng baka. No. 1 sa per capita energy use at pagwawaldas nito. No. 1 sa carbon dioxide emissions(kahit na ipagsama ang carbon dioxide emissions ng Australia, Brazil, Canada, France, India, Indonesia, Germany, Italy, Mexico, at UK ay hihigit pa ito) No. 1 sa per capita municipal waste(720 kilograms bawat tao sa isang taon) No. 1 sa hazardous waste(20X sa pinakamalapit na competitor, Germany No. 1 sa mga ayaw lumagda ng mga UN sponsored environmental laws and treaties No. 1 sa oil at natural gas consumption No. 1 sa budget deficit(bilang percentage ng GDP) No. 1 sa daily per capita consumption ng calories No. 1 sa lowest voter turnout No. 1 sa narereport na mga ginagahasa o nare-rape (3X sa susunod na ang Canada) No. 1 sa mga namamatay at nasusugatan sa mga sakuna sa kalsada No. 1 sa mga hindi pumirma ng international human rights treaties No. 1 sa mga bansa sa United Nations na ayaw pumirma o magratipika ng UN Convention on the Rights of the Child No. 1 sa mga execution ng minor de edad na kriminal No. 1 sa mga dami ng batang kinse anyos pababa na namamatay sa baril No. 1 sa dami ng batang kinse anyos pababa na nagkokomit ng suicide sa pamamagitan ng mga baril No. 1 sa pinakamababang 8th grade math scores No. 1 sa mga nagbibigay ng pagsasanay at training sa torture techniques para sa ibang bansa at,No. 1 na kinamumuhian at kinagagalitang bansa sa mundo dahil siya rin ang No. 1 na nakikialam sa mga internal affairs ng ibang bansa, sa pamamagitan ng asasinasyon, coup detat at pagsuporta ng mga kinamumuhiang diktador na sinuplayan ng armas at binigyan ng pagsasanay ang sandatahang lakas. Ang ating tunay na pambansang sekuridad ay hindi ginagarantiya ng diplomasyang mapagdigma o gunboat diplomacy o “force projection” ng isang dayuhang bansa na ginagamit ang kanyang pangmilitar na superyoridad upang takutin at brasuhin ang ibang bansa kasama na ang mga ating mga itinuturing na mga kaibigang bansa. Ang pambansang sekuridad ay ginagarantiya ng pakikipagkaibigan, pakikiugnay , respeto at pagmamagandang loob sa lahat ng bansa sa daigdig. Ang paggamit ng isang dayuhang bansa sa ating teritoryo upang maglunsad ng pakikidigma laban sa ibang bansa ay nakakapinsala sa pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa ibang bansa. Nasasangkot lamang ang Pilipinas sa mga problemang taliwas sa ating interes. Kayat di natin dapat suportahan, kundi kondenahin at labanan ang mga patakarang panlabas ng Estados Unidos na mapanghimasok at mapagdigma. Ang pagsuporta sa mapanghimasok na superpower laban sa mga mamamayan at ibang bansa sa Gitnang Silangan halimbawa ay lalo lamang naglalagay sa panganib sa ating sariling sekuridad sa sarili nating bayan, kundi pati sa mahigit sa kalahating milyong Pilipinong nagtatrabaho sa rehiyong mayaman sa likas na kayamanang langis. Kasaysayan at Tradisyong Mapagpalaya Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado na kumakatawan ng interes ng mamamayang Pilipino. Minana ang ating soberanyang kapangyarihan sa makulay na tradisyon at kasaysayan na pinanday ng mahabang pakikibaka ng ating mamamayan laban sa mga kolonyalista at imperyalistang Kastila, Amerikano at Hapon para sa pagpapalaya ng ating sambayanan at para sa kalayaan at interes ng mamamayang Pilipino. Marami sa ating mga bayani at mandirigma tulad nina Miguel Malvar, Macario Sakay, Julian Montalan , Asedillo, atbp., ay tinugis na parang hayop at tulisan ng mga mananakop sa ating bansa at itinuring na mga insurektos at terorista. Kayat, dapat nating maunawaan din ang mga sitwasyon ng ibang mamamayan at bansa na sinasalakay ng mga malalaking superpower at binabansagang mga terorista ang mga mapagpalayang mandirigma na lumalaban sa kolonyali smo. Ang ating pakikilahok sa mga mapagdigma at mapanghimasok na patakaran ng Estados Unidos ay magbubunsod lamang ng antagonismo, pagkamuhi, kawalang-tiwala at pagkapoot laban sa atin ng ibang bansa at mamamayan. Ang ating patakarang panlabas ay nararapat naka-direkta sa ating tunay na pambansang sekuridad – tungo sa respeto sa mga prinsipyo ng pagsasarili(self-determination), pakikipagkaibigan at pagmamagandang loob(goodwill) kaysa mga pakikipag-alyansa sa mga mapagdigma o kolaborasyon dito na siyang ating ikapapahamak lamang. Sa particular, ang Republika ng Pilipinas, batay sa kanyang 1986 Constitution ay ganap na pantay at malaya sa kanyang relasyon o pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Ang Estado ay nagbukas ng diplomatiko , pampulitikal, pangkabuhayan at pangkulturang relasyon sa lahat ng mapagkaibigang bansa, upang ibatay ito sa mga prinsipyong pantay na pakikipagrelasyon, mutwal na respeto sa isa’t isa, hindi pakikialam sa panloob na usapin at mutwal na pakinabang. Pundasyon ng Kasarinlan Ang pinakapundasyon ng kasarinlan ay isang nagsasariling pambansang ekonomiya sa ating Republika. Ito ay ang garantiyang material tungo sa pag-unlad at prosperidad ng kabuhayan ng mamamayan. Hinahangad ng isang tunay na malayang bansa ang hamon ng industriyalisasyon na kinakailangang makamtan kung tayo ay nagnanais na maging malakas at maunlad. Kinakailangan na igarantiya ng Estado na isulong ang tunay na lokal na industriyalisasyon ng Pilipinas at mapalakas ang material at teknikal na pundasyon ng bansa. Nararapat lamang na ang mga utang panlabas na lubos ang bigat na pinapasa sa ekonomiyang pambansa, o nagpapalubog sa atin upang maging atrasado at di umunlad , o nagsasayang sa local na yaman tungo sa di produktibong paraan, ay di dapat payagan o dapat gawan ng panibagong pagkakasundo(renegotiate). Dapat ay maging kapaki-pakinabang sa bansa ang anumang utang panlabas na ikokomit ng Pilipinas. Ang mga direktang puhunan ang malalaking tubong mga kapital ng US , Japan at iba pang mga malalaking kapitalistang bansa, lalo na sa mga vital at estratehikong industriya ay dapat isabansa. Bagamat nalansag na ang mga base-militar ng US, ang mga puwersa ng Sandatahang Lakas ng Amerika ay nakabawi na sa ating teritoryo dahil sa kanilang karapatang “access” sa mga pasilidad pangmilitar at sa teritoryo ng Pilipinas. Hindi na dapat payagan ang ganitong paglapastangan sa soberanya ng bansa. Di rin dapat payagan ang sinumang dayuhang bansa ang magtayo muli ng mga base military sa ating bansa upang suportahan ang mga dayuhang operasyong pangmilitar sa loob ng bansa o laban sa iba pang mga bansa. Di ba taliwas o lumalabag ang mga probisyon ng Visiting Forces Agreement(VFA) at Mutual Logistics Support Arrangement(MLSA) sa ating pro-PEACE na saligang batas? Hindi na tayo dapat pumayag na umasa sa Estados Unidos para sa ating estratehikong paghahanda(strategic planning), pagsasanay ng mga opisyal military, at mga gamit pandigma(logistics). Lalo na sa maselang bagay tulad ng intelligence o sensitibong mga pasilidad, di natin dapat bigyan ng access ang isang dayuhang bansa. Sa kasalukuyan, pinakikialaman ng US ang maseselang aspeto ng ating intelligence at pambansang sekuridad sa pamamagitan ng Philippine-U.S. Joint Defense Assessment(JDA) . Sinimulan ito noong 2001, at sa pamamagitan ng Joint U.S.Military Advisory Group(JUSMAG) ginagarantiya nito ang kontrol ng U.S. armed forces sa ating sandatahang lakas sa larangan ng pagdedebelop ng “comprehensive and multi-year defense program and plan for prioritized Philippine Defense Capabilities.” Isang JDA Planning and Implementation Group na binubuo ng 25 na opisyales ang nagpapatupad ng implementasyon ng mga rekomendasyon nito. Ito ay magiging nasa adbantahe ng isang dayuhang bansa at nagbibigay ng oportunidad upang ma-manipula ang ating sariling hukbong sandatahan o hawakan o kontrolin ito. Hindi na dapat pumailalim ang ating sandatahang lakas sa kaninumang dayuhang kapangyarihan. Lalo pa ritong hihigpit ang kontrol at impluwensya ng Estados Unidos sa ating sandatahang lakas. Sapagkat sa pakikialam ng US –sa pamamagitan ng JDA – sa personnel management, AFP operations, budget and acquisition controls, operational and training capabilities and military modernization, bukod sa access nito sa classified national security information, ang mga repormang pangmilitar na ipinapatupad nito ay lalo pang tutungo sa labis na pagdedepende at pagsasandal ng AFP sa U.S. military assistance at logistics(war materiel). Ginagarantiya lamang ng mga relasyong ito na gagamitin ang U.S. military assistance sa “internal conflict” o counter-insurgency, at hindi sa tunay na pagkakaroon ng external defense capability ng AFP. Mga Kasunduang Pagsuko sa Kasarinlan Ginagamit ng Estados Unidos ang mga batas, tratado at kasunduan upang lapastanganin ang pambansang soberanya, kalayaan at teritoryong integridad ng Pilipinas at upang makialam sa ating panloob na usapin. Ang mga nakaraan at kasalukuyang mga pamahalaan ng Pilipinas ang responsible sa mga di-pantay na relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos na patuloy na yumuyurak sa soberanya at dignidad ng ating bansa. Ang mga sunud-sunurang mga batas sa pamumuhunan(investment) at mga kasunduan sa utang na kinokolelat tayo, at mga di-pantay na mga kasunduan tulad ng Investment Incentives Acts, Banking Liberalization Law, RP-US Mutual Defense Treaty, RP-US Military Assistance Agreement, Visiting Forces Agreement at Mutual Logistics and Supply Arrangement (MLSA ) ay nararapat lamang na lansagin. Dapat lamang makipagnegosasyon ang Pilipinas at lumagda sa mga bagong tratado, o kasunduan na batay sa mga prinsipyong mutwal na benepisyo at di nagtatakda ng pakikialam ng malakas na bansa sa mas maliit na bansa. Ang Pilipinas ay dapat sumuporta sa mga aspirasyon ng ibang bansa na maging malaya at magkaroon ng kasarinlan, gayon din sa pagpapalakas ng Movement of Non-Aligned Countries at pagsusulong ng “new economic order”. Sa ilang bahagi ng daigdig at sa patnubay ng United Nations, at kung di nabubulabog ang ating serbisyong pampubliko, kung gusto nating magpadala ng “Humanitarian Contingents”, ito ay dapat sa porma lamang ng mga doctor, nars, guro, teknisyan upang magbigay –tulong sa ibang bansa. Dapat nitong panindigan at ibatay ang kanyang pakikiisa sa ibang bansa sa mga kolektibong desisyon at resolusyon ng United Nations at iba pang pandaigdigang organisasyon na nagsusulong ng soberanya, kalayaan, at pagkakapantay ng ibang bansa, at pagsusulong ng pandaigdigang kapayapaan. ----------------- Focus on the Philippines (FOP) is an electronic newsletter on Philippine news and issues put out by Focus on the Global South-Philippine Programme. FOP has currently over 600 subscribers. The newsletter tackles broad development issues like trade and finance, militarization, environment,global governance, multilateral institutions, and US hegemony among others. FOP is a venue for sharing perspectives and commentaries on the issues that shape our country and inform our respective advocacy work. We welcome articles, policy papers, commentaries on Philippine development issues. We also welcome new subscribers!. Please send contributions (in word format) and request for subscription to Focus on the Global South- Philippine Programme Suite 209 Burgundy Place, 174 Katipunan Avenue Loyola Heights, Quezon City 1108 Philippines Telefax: (632)4330899 |
| < Prev | Next > |
|---|
